At ngayon, nagpakabit na kami uli.. nung simula ng summer. At napanood ko na din ang mga dating pinapanood ko sa Telebisyon, tulad ng America's Next Top Model, at Project Runway. at syempre ang Tom and Jerry.
Kung Mapapansing ninyo, super tagalog po ang post kong ito. wala lang napagtripan ko lang sa kadahilanang nahihirapan na akong magbasa ng mga tagalog na salita, nagkakasala-salabid ang dila ko sa pagbabasa. nakakatawa mang isipin.. pero totoo.. kasi nuong nagsimula ang bakasyon eh, puro english novels ang binabasa ko at dumating ang mga kamag-anak namin mula sa Amerika.. kaya't kailangan kong paghusayan pa ang aking pagsasalita ng Ingles, at palawakin pa ang aking bokabularyo.. ngayong wala na sila, itutuloy ko padin ang pag-Ingles ko. kaya lang kaylangan ko ulit sanaying ang sarili ko sa tagalog.Anyways, habang ginagawa ko ang entry na ito, e kumakain ako ng kasoy, cashew nuts?! tama ba? haha! masarap! haha! =)
Labels: cable, Ingles, kasoy, super tagalog, Tom and Jerry


Link me up, People.. =)


